Nanawagan na ang Transport Cooperatives sa Landbank of the Philippines at Development Bank of the Philippines na pabilisin ang proseso ng pagbibigay ng pautang sa public utility vehicle operators.
Kasunod ito ng reklamo ng mga franchise owner, transport cooperatives and corporations sa ilalim ng Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP) na mabagal ang proseso ng transaksyon sa mga bangko.
Ayon kay LTOP President Ka Lando Marquez, inaapura na ng transport groups ang pag-modernize ng kanilang units.
Umaapela na rin sila kay Pangulong Ferdinand R Marcos Jr at DOTR Secretary Jaime Bautista para magpatawag ng pulong upang matugunan ang kanilang problema.
Ang dalawang bangko ay may special loan program na nagbibigay ng access sa mga operator at driver para pondohan ang PUV modernization program. | ulat ni Rey Ferrer