Mas pinadali na ang pamimili sa Duty Free dahil inilunsad na ngayon ng Duty Free Philippines ang sarili nitong shopping platform online.
Ayon sa Duty Free Philippines, sa mga gustong makapamili sa kanilang online platform ay kinakailangang mag-sign up muna ng mga ito sa pamamagitan ng pagbisita sa Duty Free website sa dutyfreephilippines.com.ph.
Matapos makumpirma ang mga order, maaari nang mag-checkout ang mga customer sa pamamagitan ng samu’t saring payment methods tulad ng credit cards o kahit ng mga digital wallets gaya ng PayPal, UnionPay, at WeChat Pay.
Maaaring ma-pick up ang mga napamiling items sa mga Duty Free Philippines shops na matatagpuan sa Ninoy Aquino International Airport’s Terminal (NAIA) 1 at 3.
Available rin 24/7 ang customer service team para sumagot at umalalay sa mga customer sa Live Chat, Viber, o WhatsApp, gayundin sa Messenger at email.
Hangad ngayong taon ng Duty Free Philippines, na isang attached agency ng Department of Tourism (DOT), na lagpasan pa ang kita nito noong 2023 mula sa $102 million paakyat sa $162 million o katumbas ng paglago na aabot sa 64%. | ulat ni EJ Lazaro