Tinulungan ng Naval Forces Eastern Mindanao (NFEM) ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region XI sa paghahatid ng tulong sa mga biktima ng pagbaha sa Davao Oriental.
Ito’y matapos na inisyal na maantala ang relief operations dahil sa pagkapinsala ng mga daan at tulay sa landslides bunga ng tuloy-tuloy na pag-ulan sa mga munisipyo ng Caraga, Lupon, at Mati City.
Dahil dito, ginamit ng Philippine Navy ang kanilang mga barko para makapaghatid ng relief supplies sa mga komunidad na na-isolate dahil sa baha.
Kabuuang 19,170 food packs mula sa DSWD XI ang ikinarga at inihatid ng LC296 sa Davao Oriental Province kahapon, para ipamahagi sa mga apektadong pamilya sa Governor Generoso at Mati City.
Tiniyak naman ni NFEM Commander, Commodore Carlos Sabarre na laging handang umalalay ang NFEM sa mga ahensya ng gobyerno at pribadong grupo sa paghahatid ng tulong sa panahon ng pangangailangan. | ulat ni Leo Sarne
📸: NFEM