Tututukan ng Department of Agriculture (DA) sa susunod na tatlong taon ang mga hakbang upang mapataas ang produksyon ng pagkain, tulad ng bigas, gulay, isda, at karne sa bansa.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni DA Spokesperson Arnel de Mesa na kasabay nito ang pagtatayo ng agri facilities sa bansa.
Kabilang na dito ang karagdagang irrigation system, post-harvest at storage facilities, farm mechanization, paggamit ng makabangong teknolohiya, at research and development.
Ayon sa opisyal, prayoridad rin ng kanilang hanay ang digitalization sa agri sector, upang mapabilis ang pagsasama ng teknlohiya sa pagsasaka at logistics.
Layunin naman nitong mapataas ang kita ng mga magsasaka, mapababa ang halaga ng bilihin, maisaayos ang data collection upang mapabilis rin ang pagtugon sa pangangailangan ng mga magsasaka at mangingisda sa merkado.
“So, layunin nito na pataasin ang kita ng magsasaka at the same time, mapababa ang halaga ng bilihin. Kasama na dito iyong pag-aayos ng data collection, para mapabilis na matugunan iyong pangangailangan ng ating mga magsasaka a mangingisda, kasama na iyong mga nag-aalaga ng hayop at ano ang epekto nito sa merkado.” -de Mesa. | ulat ni Racquel Bayan