Tinawag ni Land Transportation Office (LTO) Chief Vigor Mendoza II na walang katotohanan at desperadong aksyon at maaaring may personal agenda ang reklamo sa kanya ng Coalition for Good Governance at Federated Land Transport Organizations of the Philippines (FELTOP).
Sinabi ni Mendoza, may instructions sa kanya si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at DOTr Secretary Jaime Bautista na tugunan ang mga system glitch sa lahat ng digital transactions sa ahensya sa pamamagitan ng consolidation at migration sa bagong IT provider na kinontrata ng gobyerno.
Sa pagsusumikap aniya ng kanilang IT experts, 97 percent digitalized ang vehicle transactions sa ilalim ng LTMS habang isandaang porsyento naman sa driver’s license transactions.
Hindi aniya matitinag ang LTO sa mga gawa-gawang alegasyon.
Una mang inireklamo ng Coalition for Good Governance at FELTOP si Mendoza dahil sa kwestyunable umanong pagbabalik nito ng computer fees sa mga transaction sa LTO sa ilalim
ng digitalization na nagkakahalaga ng Php169.| ulat ni Rey Ferrer