Inanunsyo ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na inaprubahan na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pag-adopt sa National Cybersecurity Plan (NCSP) 2024-2028.
Ayon sa DICT, layon ng NCSP na makabuo ng isang matatag, maaasahan, at ligtas na cyberspace para sa bawat Pilipino.
Inaasahang nakapaloob dito ang ilang inisyatibo para protektahan ang bawat mamamayan laban sa mga banta sa online o cyber threats at kung paano magtutulungan ang bawat ahensya ng pamahalaan.
Ilan sa tina-target nito ang pagpapaigting ng cybersecurity policy framework at pagpapataas ng cybersecurity workforce capabilities. | ulat ni Merry Ann Bastasa