Panawagan ni SILG Abalos na mag-leave ang mga pulis na umaresto kay Sgt. Mayo, suportado ng PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinuportahan ng pamunuan ng PNP ang panawagan ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. na mag leave-of-absence ang mga pulis na umaresto kay Police Master Sgt. Rodolfo Mayo kaugnay ng 6.7 bilyong pisong halaga ng shabu na nasabat noong nakaraang Oktubre.

Sa isang statement, sinabi ng PNP na ang pag-leave ng mga pulis na nakita sa CCTV sa pag-aresto kay Mayo ang pinaka-mabuting hakbang para hindi maimpluwensyahan ang imbestigasyon sa insidente.

Matatandaan na si PNP Chief Police Gen. Rodolfo Azurin Jr. ang lumikha ng Special Investigation Task Group 990 base sa rekomendasyon ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) Director Police Brig. General Narciso Domingo.

Ito’y matapos na matuklasan na kinupit ng ilang tauhan ng PDEG ang 42 kilo ng shabu mula sa 990 kilo na nakuha sa lending agency na pag-aari ni MSgt. Mayo.

Ayon sa PNP, nakapagsagawa na ng 21 case conference ang SITG, at ang pinal na ulat ay naisumite na sa PNP Chief.

Tiniyak naman ng PNP na rerespetuhin nila ang anumang direktiba ng National Police Commission (NAPOLCOM), na nagsagawa ng sariling imbestigasyon sa insidente. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us