Nagpasalamat si Senate Majority Leader Joel Villanueva sa tiwala ng taumbayan sa Senado.
Ito ay bilang tugon sa resulta ng fourth quarter Social Weather Stations (SWS) survey na ginawa noong December 10 to 14, 2022, kung saan nakakuha ang Mataas na Kapulungan ng Kongreso ng ‘very good’ rating na positive 68.
Kasabay nito, kinilala ni Villanueva ang pamumuno ni Senate President Juan Miguel Zubiri.
Sinabi ng majority leader, na bilang isang consensus builder ay natulungan ni Zubiri ang senado na mas maging produktibo.
Sa 10 buwang pamumuno aniya ni SP Zubiri ay nakapagpasa na ang senado ng key measures, at may mga mahahalaga pang panukalang batas ng Marcos Administration na kasalukuyang nakasalang para sa debate sa plenaryo.
Naipasa rin aniya ng senado ang 2023 national budget ng tama sa schedule.
Dinagdag rin ni Villanueva, na ang mga parliamentary visit na ginawa ng mga senador kung saan pinakahuli nilang binisita ang Japan ay nakatulong sa pagpapatibay ng ugnayan ng Pilipinas sa ibang mga bansa.
Sa huli, nangako ang mambabatas na patuloy na magsusumikap ang senado at mananatiling committed sa pagpapanatili ng tradisyon ng institusyon bilang ‘last bastion of democracy ‘. | ulat ni Nimfa Asuncion
Pamumuno ni Senate President Zubiri, nakatulong sa pagkakaroon ng mataas na trust rating ng Senado