Target ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na makamit ang 100%- food-fish sufficiency level para sa bansa sa taong 2028.
Ayon kay BFAR National Director Demosthenes Escoto, nasa 92.5% ang food-fish sufficiency level ng Pilipinas, net of trade, noong 2022.
Kasama sa Strategic Plan ng BFAR ang target na ito para sa 2023-2028, ang isang comprehensive roadmap na nagdedetalye ng mga layunin ng kawanihan.
Ayon kay BFAR National Director Demosthenes Escoto,para makamit ito, kailangang pataasin ng BFAR ang produksyon sa sektor ng pangisdaan.
Palalakasin din ng BFAR ang kanilang koordinasyon at pakikipagtulungan sa National Fisheries Research and Development Institute.
Ito ay para sa updated at naaangkop na mga teknolohiya sa pangingisda at magbibigay ng tulong sa pagbuo ng mga mangingisda sa mga asosasyon o kooperatiba.
Sinabi pa ng BFAR na tututukan din nito ang full implementation ng Philippine Fisheries and Coastal Resiliency (FishCoRe) Project at ang Special Area for Agricultural Development (SAAD) Project. | ulat ni Rey Ferrer