Kumpiyansa ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na magpapatuloy ang paglago ng digital payment technologies at ang paghahatid ng mga serbisyong pinansyal sa mga small medium-enterprise o MSMEs.
Ayon kay Deputy Governor Mamerto Tangona, malaki na ang nakamit sa pagpapatupad “2020-2023 Digital Payments Transformation Roadmap (DPTR)” katuwang ang public and private sector partners.
Aniya, mula sa one percent share ng digital to retail payments, ngayon ay tinatayang nasa 42.1 percent share na ang digital retail payments transactions at umaasang lalo itong tataas sa mga susunod na taon.
Dagdag pa ninyo na ang impact ng digital transformation at makikita sa grassroots level kung saan dahil sa “Paleng-QR PH plus” marami na sa mga vendors ang gumagamit ng QR Ph Code sa kanilang pagbebenta.
Habang ang “Bills Pay Ph” ay upang pagisahin ang fragmented bills payment system kung saan papayagan ang mga users na bayaran ang kanilang bills kahil na wala silang account sa kanilang billers’ payment service provider.
Sa ngayon ayon sa opisyal… binabalangkas na ng BSP ang susunod na yugto ng digital journey ng bansa sa ilalim ng 2024-2026 Digital Payments Transformation Roadmap. | ulat ni Melany Valdoz Reyes