Pag-aangkat ng bigas mula Vietnam, makatutulong upang mapatatag ang suplay nito sa bansa — NEDA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kumpiyansa ang National Economic and Development Authority (NEDA) na mapananatili ng Pilipinas ang matatag na suplay ng bigas sa kabila ng inaasahang matinding epekto ng El Niño phenomenon sa buwan ng Mayo.

Ito ang inihayag ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan kasunod na rin ng nilagdaang Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng Pilipinas at Vietnam matapos ang naging pagbisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kamakailan.

Ayon kay Balisacan, sa ilalim kasi ng kasunduan, ipagpapatuloy ng Vietnam ang pagsusuplay ng nasa 1.5 hanggang 2 milyong metriko toneladang bigas sa Pilipinas kada taon.

Babantayan naman aniya ito ng Department of Agriculture upang masiguro na magiging sapat ang suplay ng pagkain sa bansa para matugunan ang mga pangangailangan ng mga Pilipino sa pagkain.

Kasunod nito, sinabi ng NEDA na tuloy-tuloy din ang ibinibigay na ayuda ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga mahihirap na Pilipino sa ilalim ng Food Stamp Program kung saan, nasa 300,000 pamilya ang makikinabang dito. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us