Kinilala ng lider ng Kamara ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa matagumpay nitong pagpapababa sa inflation rate.
Batay sa ulat ng Philippine Statistics Authority, mula 3.9% noong Disyembre 2023 ay bumaba na ito sa 2.8% para sa buwan ng Enero 2024.
Ayon kay Speaker Martin Romualdez, nangyari ito dahil sa walang kapagurang pagtatrabaho ng Marcos administration na sinuportahan ng Kongreso.
“It is reassuring that our inflation is within the bounds of the government’s forecast of 2 to 4 percent range. This is a relief to our people whose incomes have been chipped by rapidly rising prices of commodities,” saad ni Romualdez.
Ngunit kaniyang paalala na hindi dapat mapalagay ang pamahalaan sa mabagal na inflation rate ngayong buwan.
Kailangan pa rin aniyang maging aktibo ang gobyerno sa pagtiyak na matugunan ang mga maaaring maging sagabal sa value chain at epekto ng global economic headwinds at climate change.
Kaya aniya patuloy na susuporta ang Kamara sa hakbang ng pamahalaan na protektahan ang economic rights ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pagbuo ng mga lehislasyon na titiyak na accessible sa lahat ang abot kayang presyo at sapat na suplay ng mga bilihin.
“But we are not out of the woods yet. We have to bolster our efforts to temper inflation and other disruptions in the value chain amid global economic headwinds and climate change. As part of the visible hand that regulates the market to protect our consumers, the House shall guarantee that laws echo the voice of the Filipinos in crafting laws to ensure that basic commodities and prices of products will be accessible and affordable for all,” diin niya. | ulat ni Racquel Bayan