Pinapurihan ni Bicol Saro party-list Rep. Brian Yamsuan ang hakbang ng Bureau of Corrections na makipagtulungan sa pribadong sektor bilang bahagi ng kanilang income-generating activities.
Partikular dito ang pakikipag-ugnayan ng BuCor sa Philippine Economic Zone Authority (PEZA) sa pamamagitan ng pagtatatag ng economic zones sa ilang piling lugar sa mga penal facilities ng BuCor.
“We laud Gen. Catapang for taking the lead in developing BuCor’s real estate assets through tie-ups with the private sector. This plan is a key factor in transforming the bureau into a modern, highly professionalized and self-sustaining agency,” sabi ni Yamsuan.
Kasabay nito, umaasa naman ang mambabatas na kapag nagsimula nang kumita ang ahensya sa mga business activities ay uunahin o gagamitin ito para sa benepisyo ng mga persons deprived of liberty.
“As it starts to earn from its business activities, we are optimistic that BuCor would ensure that improving the welfare of the PDLs under its custody would be its top priority in spending its additional income,” diin ni Yamsuan.
Kasama dito ang pagkakaroon ng disenteng quarters, sapat at masustansyang pagkain, kalidad na medical care at maaayos na reformation program.
Mungkahi pa ng mambabatas na ang mga kwalipikadong PDL ay mabigyang pagkakataon na makakuha ng trabaho sa naturang mga ecozone o business venture.
Ayon kay Catapang, mayroong kabuuang 48,783 heactares ng asset ang BuCor na maaaring i-convert bilang agro-and aqua-culture sites at economic zones. | ulat ni Kathleen Forbes