Inihahanda na ng Manila Electric Company (MERALCO) ang requirements para sa pagtanggap ng aplikasyon sa lifeline discount.
Ayon kay MERALCO Head of Utility Economics Larry Fernandez, magkakaroon sila ng anunsyo hinggil sa proseso para sa mga benepisyaryo ng diskuwento sa singil sa kuryente.
Mahigit 400,000 marginalized households ang inaasahang mapapabilang sa listahan na inendorso ng Energy Regulatory Commission sa MERALCO.
Sila ang mga household na benepisiyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program na may sertipikasyon mula sa Social Welfare and Development Office.
Kailangan ay pasok sa threshold ng ERC ang konsumo sa kuryente ng bawat pamilya o hindi hihigit sa 100 per kilowatt hour.
Ipinaliwanag naman ni MERALCO Spokesperson Joe Zaldarriaga na kapag mas mababa ang konsumo ay posibleng maging mas malaki ang diskuwento. | ulat ni Hajji Kaamiño