Ilang byahe ng bus sa PITX suspendido dahil sa bagyong Amang

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bilang pag-iingat sa kaligtasan ng mga pasahero, pahinante, at driver, kinansela ng Parañaque Integrated Bus Terminal (PITX) ang ilang byahe papuntang Catanduanes, Masbate, Visayas, at Mindanao dahil sa bagyong Amang.

Sa abiso ng PITX simula kahapon ay kanselado sa piling oras ang byahe ng Palompon, Leyte; Liloan, Southern Leyte; Cagayan De Oro; Maasin, Southern Leyte; Davao City; Eastern Samar; Laoang, Southern Samar; at Virac, Catanduanes.

Ang kanselasyon ay alinsunod na rin sa LTO Memorandum No. 2023-03-025 na suspendido ang mga trips sa Leyte, Samar, Davao, at Catanduanes dahil sa typhoon Amang simula ngayong, April 11.

Makikita ang mga detalye at listahan ng mga bus operators para ma-rebook ang byahe ng mga pasahero. | ulat ni Don King Zarate

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us