Matagumpay na naisagawa kahapon ang ikatlong Joint Maritime Cooperative Activity sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at U.S. Indo-Pacific Command (USINDOPACOM) sa West Philippine Sea (WPS).
Ang joint maritime activity ay nilahukan ng BRP Gregorio Del Pilar ng Philippine Navy at USS Gabrielle Giffords ng US Navy.
Itinampok sa aktbidad ang passing exercises, communication at photo exercise, division tactics at Officer of the Watch (OW) maneuvers.
Ayon kay AFP Western Command Commander, Vice Admiral Alberto Carlos, ang tagumpay ng ikatlong AFP-USINDOPACOM Maritime Cooperative Activity ay patunay ng commitment ng dalawang bansa sa pagtataguyod ng Regional Security at isang bukas na Indo-Pacific region.| ulat ni Leo Sarne