Asahan na magkaroon pa ng mga aftershock matapos ang magnitude 5.9 earthquake na nangyari sa bayan ng Esperanza, Agusan del Sur bago mag tanghali kanina.
Ayon sa PHIVOLCS, ramdam ang pagyanig sa ilang bahagi ng Mindanao dakong alas 11:22 ng umaga kanina.
Natunton ang epicenter ng lindol sa layong dalawang kilometro sa timog-kanluran ng Esperanza .
Sa ulat ng PHIVOLCS, tectonic ang pinagmulan ng pagyanig at may lalim na 27 kilometro.
Naitala ang intensity 4 sa Cagayan de Oro City, Intensity 2 sa Kidapawan City at Banisilan sa Cotabato, Intensity 1 sa Arakan at Kabacan sa Cotabato.
Sabi pa ng PHIVOLCS na asahan ding may dalang pinsala ang lindol.| ulat ni Rey Ferrer