Ipinagdiriwang ng Filipino-Chinese Community sa syudad ng Iloilo ang Chinese New Year sa Filipino-Chinese Friendship Arch sa Iznart St. sa siyudad ng Iloilo.
Mahigit 3 libong mga Ilonggo at Tsinoy ang nakilahok sa pagdiriwang.
Ayon kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas, ang pagdiriwang ng Chinese New Year sa Iloilo ay simbolo ng magandang samahan ng mga Ilonggo at mga Tsinoy.
Tampok sa selebrasyon ang magagandang cultural performances mula sa mga Chinese School sa siyudad.
Bida rin sa selebrasyon ang Traditional Chinese Dragon and Lion Dance Performance.
Hindi rin kumpleto ang pagdiriwang kung wala ang masasarap ng pagkaing Tsinoy na handog ng mga food kiosks sa Chinese New Year food festival.
Nagtapos ang programa sa isang makulay at napakagandang fireworks display.
Pinasalamatan ng alkalde ang mga stakeholders na nagtulong-tulong para maging masaya at engrande ang selebrasyon ng Chinese New Year sa Iloilo City.| ulat ni Paul Tarrosa| RP1 Iloilo