Matapos maranasan sa Agusan del Sur at mga kalapit bayan nito ang magnitude 5.9 na lindol kaninang umaga, agaran namang nagsagawa ng inspeksyon ang mga kawani ng Philippine Ports Authority (PPA) para masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero at ng pantalan.
Ayon sa isinagawang inspeksyon ng PPA katuwang ang mga kawani ng Engineering, Operations, at mga
Terminal Management Officer sa ilalim ng Port Management Office (PMO), wala namang naitalang naging crack o sira sa mga gusali at pasilidad habang ligtas naman ang lahat ng tao na nasa pantalan.
Ayon pa sa kanilang ulat, nagsagawa rin ang mga tao sa lugar ng duck, cover, and hold nang mangyari ang lindol.
Sa kasalukuyan, nananatili namang nakaantabay ang mga kawani ng Engineering Department ng PMO upang obserbahan ang mga pasilidad at mapanatiling ligtas at matibay ang mga gusali sa loob ng pantalan.| ulat ni EJ Lazaro