Pabor ang mga asosasyon ng mangingisda sa Pangasinan sa modified bamboo raft technology na ipinakilala ng Department of Agriculture – National Fisheries Research and Development Institute (DA-NFRDI).
Malaki anila ang potensyal ng teknolohiya upang mapahusay ang talaba o oyster farming methods sa Pangasinan.
Tiwala ang mga mangingisda na mapalakas ang produksyon ng talaba at makalikha ng livelihood opportunities sa buong lalawigan.
Pormal na kinilala at inendorso ng mga local government unit ang paggamit ng teknolohiyang ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng certificatesof technology adoption.
Ayon kay Joseph Christopher Rayos, project leader at chief ng NFRDI- Aquaculture Research and Development Division, environment-friendly ang teknolohiya kumpara sa tradisyonal na stake method ng oyster culture.
Ang teknolohiya ay gumagamit ng mga floater, kawayan, at mga strap sa pagtatanim ng mga talaba.| ulat ni Rey Ferrer