Bilang bahagi ng hakbang upang mapagsama-sama ang bawat stakeholder, magsasagawa ng online public consultation ang National Economic and Development Authority (NEDA).
Ito’y para sa pagbalangkas ng Implementing Rules and Regulations (IRR) para sa Trabaho para sa Bayan Act.
Ayon sa NEDA, layon nito na palakasin pa ang workforce ng bansa upang mabigyan ng disenteng trabaho ang mga Pilipino na siya namang susi sa paglago ng ekonomiya.
Isasagawa ang online public consultation sa Huwebes, February 15 ganap na ala-1:30 hanggang alas-4 ng hapon.
Maaaring bisitahin ang official social media accounts ng NEDA sa Facebook para makita ang QR code upang makapasok sa naturang online public consultation.
Maaari ring mag-iwan ng comment sa nakasaad na link sa post ng NEDA sa kanilang page hanggang February 22 ng taong ito upang malaman ang sentimiyento ng publiko hinggil sa kung ano ang mga dapat mapabilang sa IRR. | ulat ni Jaymark Dagala