Inihayag ng Philippine Embassy sa Israel na nagkaroon ng talakayan sa pagitan ng mga opisyal ng embahada at Filipino community leader sa pagbisita ni OWWA Administrator Arnell Ignacio sa Tel Aviv.
Dito personal na naidulog kay OWWA Admin Arnell ang kanilang mga tanong, rekomendasyon, at pasasalamat sa ahensiya sa pagkalinga sa mga OFWs na naapektuhan ng kaguluhan sa Israel.
Kasama sa napag-usapan ng mga opisyal ng Embahada, at mga FilCom leaders ang mga benepisyo ng mga OFWs at kanilang mga pamilya,
Ganun din ang mga programa at serbisyo ng OWWA, at iba pang isyung kinakaharap ng mga kababayang Pilipino sa nasabing bansa.
Ayon pa kay Ignacio, noong kasagsagan ng giyera malaking tulong din ang mga pilipino community leader na siyang umiikot sa mga evacuation center para hatiran ng tulong, kung saan nanatili ang mga Pinoy na naapektuhan ng giyera sa Israel. | ulat ni AJ Ignacio