Curriculum ng National Academy of Sports, inaasahang matatapos sa loob ng 2 taon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nangako si National Academy of Sports (NAS) System Executive Director Josephine Joy Reyes sa mga mambabatas na malapit nang matapos ang binubuo nilang sports curriculum para sa NAS.

Sa pulong ng House Committee on Basic Education and Culture, nausisa ni Pasig Representative Roman Romulo, chair ng komite, kung ano na ang estado ng binubuong curriculum ng NAS.

Aniya, nakapanghihinayang na hindi ito magamit ng Department of Education (DepEd) sa kanilang K-12 sports track kung saan napakaliit ng bilang ng nag-eenrol na estudyante.

Ayon kay Reyes, matatapos na nila ang curriculum para sa junior high ngayong taon at sa susunod na taon naman ang para sa senior high.

Sa kasalukuyan, tanging ang Grades 7 at 8 curriculum pa lamang ang naku-kompleto ng NAS.

Natanong naman ni Marikina Representative Stella Quimbo kung bakit hindi kasama ang ilang sports gaya ng basketball, volleyball, at lawn tennis sa mga NAS system program.

Paglilinaw Director Reyes na magdaragdag naman ng iba pang sport program ang NAS na ibabase sa mga sport kung saan magaling o nag-e-excel ang mga Pilipino.

Sa kasalukuyan aniya mayroon ng 117 na estudyante ang naka-enrol sa Sports Academy para sa school year 2022-2023 para sa mga programa gaya ng aquatics, athletics, badminton, gymnastics, judo, table tennis, taekwondo, at weightlifting. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us