Chinese Navy, sumabay sa Maritime Cooperative Activity ng Pilipinas at U.S.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sumabay ang isang Chinese People’s Liberation Army (PLA) Navy vessel sa huling Maritime Cooperative Activity (MCA) ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at United States Indo Pacific Command (USINDOPACOM) sa West Philippine Sea.

Ang ikatlong Maritime activity ng AFP at USINDOPACOM ay isinagawa noong nakaraang Huwebes at Biyernes sa pagitan ng BRP Gregorio Del Pilar ng Philippine Navy at USS Gabrielle Giffords ng US Navy.

Ayon kay Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Roy Trinidad, nagmistulang tatlong barko ang kasama sa aktibidad dahil sa pagbuntot ng barko ng PLA Navy.

Wala naman aniyang ginawang iligal na pagkilos ang barko ng China, at sumabay lang sa mga barko ng Pilipinas at US hanggang sa matapos ang aktibidad.

Nilinaw naman ni Trinidad na hindi iligal ang presensya ng barko ng China sa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas dahil may Freedom of Navigation sa High Seas ang lahat ng bansa. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us