Paggamit ng QR code pambayad sa palengke, pasahe sa tricycle sa buong bansa, pinag-aaralan

Facebook
Twitter
LinkedIn


May pagpupulong na isinasagawa hinggil sa mithiin ng pamahalaan na iimplementa ang cashless na pagbabayad sa mga palengke at pamasahe sa mga traysikel sa buong bansa.


Ito, ayon sa Presidential Communications Office (PCO), ay sa pamamagitan ng Quick Response o QR code.
Ayon sa PCO, makakatulong dito ng pamahalaan ang Land Bank of the Philippines sa nasabing inisyatibo na tinaguriang “Paleng-QR Ph Plus.”

Saklaw din ng ginagawa ngayong pag- aaral ang ipatupad na din ang cashless payment sa mga local transport drivers.

Ang hakbang ay inisyatibo ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at Department of the Interior and Local Government (DILG) na target na ipatupad nationwide.

Agosto 2022 , inisyal na inilunsad ang programa sa mga piling palengke sa mga pangunahing siyudad at bayan na ngayon ay plano nang ipatupad sa buong Pilipinas. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us