Hindi matatawaran ang galing ng mga Pilipino na magiging bahagi ng United Nations Peacekeeping Force na tiyak na maipagmamalaki sa buong mundo.
Ito ang inihayag ni Department of Foreign Affairs o DFA Sec. Enrique Manalo makaraang parangalan nito ngayong araw ang 20 miyembro ng PNP UN Peacekeeping Force na ipinadala sa South Sudan.
Sa kaniyang talumpati sa Flagraising Ceremony sa Kampo Crame, sinabi ni Manalo na nananatiling committed ang Pilipinas na i-abot ang kamay nito para sa pagpapanatili ng Kapayapaan saan mang dako ng mundo.
Magugunitang inanunsyo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr nang humarap ito sa UN General Assembly noong 2022 na walang bansang maiiwan at laging nakahanda ang Pilipinas na maging bahagi ng solusyon.
Ang mahigpit aniyang ugnayan ng UN sa Philippine National Police o PNP ay magibay katiyakan na ang Pilipinas ay isang nagkakaisang bansa na yumaykap sa kapayapaan. | ulat ni Jaymark Dagala