Aabot sa 370 indibidwal ang binigyan ng cash assistance ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Romel Lopez, ang payout ay bahagi ng commitment ng ahensya na mabigyan ng serbisyo ang mga nangangailangan ng tulong.
Bawat isa ay inabutan ng P3,000 hanggang P5,000 na maaaring magamit sa pambili ng gamot, pagkain at iba pang pangangailangan. | ulat ni Rey Ferrer