DOTr, pinatututukan ang mga proyekto para sa mga pagbabago sa sektor ng transportasyon sa ilalim ng Bagong Pilipinas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinikayat ng Department of Transportation (DOTr) ang mga kawani nito na tutukan at pagbutihin ang pagpapatupad sa mga transport project ng ahensya sa aviation, railway, road, at maritime sector.

Ito ay upang makamit ang mga hangarin sa sektor ng transportasyon sa ilalim ng Bagong Pilipinas.

Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, ito ang mission ng DOTr sa hinaharap. Alinsunod na rin aniya ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na magpatupad ng mga programa na makapagpapabuti sa sektor ng transportasyon sa bansa.

Binigyang diin din ng transport chief, na dapat ay makatutugon sa pangangailangan ng mga pasahero sa hinaharap ang mga proyekto ng ahensya.

Dapat aniyang isaalang-alang ang pagiging commuter-friendly ng mga transportation system sa bansa.

Kumpiyansa naman si Bautista, na maisasakatuparan ang mga pagbabagong ito lalo pa’t suportado ito ng Pangulo. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us