Limang kumpanya na iligal na nag-ooperate sa San Simon Pampanga ang ipinasara ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Inisyuhan ng Cease and Desist Order ang mga kumpanya dahil sa kawalan ng permit para makapag-operate bilang lead smelters at recyclers ng used lead acid batteries (ULAB).
Nilabag din ng mga ito ang Republic Act 8749 o Clean Air Act, RA 9275 o Clean Water Act, at RA 6969 o ang Hazardous and Nuclear Wastes Act.
Ang mga isinarang kumpanya ay ang Chilwee Metallic Manufacturing Corp., Energetic Battery Manufacturing, Ecoseal Metallic Manufacturing Corp l., Ecometallic Co., at 5th Resources.
Hiniling naman ng Federation of Philippine Industries (FPI) sa DENR, na ipagpatuloy ang paglilinis sa bansa ng environmentally destructive lead smelters kasunod ng pagpapasara ng mga kumpanya sa Pampanga.
Sinabi ni FPI Chairperson Dr.Jesus Arranza, maganda ang ipinakitang pagtutulungan ng local at national government para mapatigil ang tiwaling mga negosyante.
Pagbubunyag pa nito, na marami pang unregulated lead smelters at ULAB recyclers sa Valenzuela City, Tondo, Manila, Tarlac, Cavite, Cebu, Davao at iba pa. | ulat ni Rey Ferrer