Nagbibigay-pugay ang Malacañang sa mga mangingisda at magsasaka ngayong pagdiriwang ng Buwan ng Pagkaing Pinoy.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), nakatuon ang pagdiriwang ng Filipino Food Month sa pagkilala sa mga Pilipinong magsasaka at mangingisda.
Sila, ayon sa PCO, ang nagbibigay pagkain sa bawat hapag-kainan ng mga pamilyang Pilipino kaya’t marapat lang ialay sa kanila ang buwan ng pagdiriwang ng Pagkaing Pinoy.
Sa harap nito’y binigyang-diin rin ng PCO na nananatiling pangunahing programa ng pamahalaan, sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang seguridad sa suplay ng pagkain.
Kasama na din ang pagpapaunlad ng agrikultura gayudin ang pagpapayaman ng lokal na produksiyon ng pagkain katuwang ang iba’t ibang sektor ng lipunan. | ulat ni Alvin Baltazar