Dapat ay pag-aralang mabuti ang planong taas sahod ng mga manggagawa ayon sa dalawang mambabatas.
Ayon kay Marikina Representative Stella Quimbo, bagamat maganda ang intensyon ng P100 legislated wage hike na isinusulong ng Senado ay maaari itong mauwi sa pagtaas ng inflation.
Posible kasi aniyang ipasa lamang ng mga kompanya sa taas presyo ng bilihin at serbisyo kung magpapatupad ng wage hike.
Sa hiwalay na paliwanag naman ni Albay Rep. Joey Salceda, wala siyang tutol sa pagtataas ng sahod ng mga manggagawa.
Ngunit paalala nito na higit 90 porsyento ng mga negosyo sa bansa ay pawang small and medium enterprises na tiyak na hindi kakayaning pasanin ang P100 wage increase.
Kung hindi man aniya magtaas sa presyo ng serbisyo at bilihin ay mauuwi naman ito sa pagtatanggap ng mga empleyado o pinakamasaklap at mauwi sa pagsasara.| ulat ni Kathleen Forbes