DOJ, inatasan ang NBI na imbestigahan ang sunod-sunod na bomb threat ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inutusan na ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng masusing imbestigasyon sa nakakaalarmang sunod-sunod na bomb threat, na ipinadala ng hindi pa na-verify na email account sa ilang ahensya ng gobyerno at local government units ngayong araw.

Ayon kay Sec. Remulla, nakakabahala ang ganitong pagbabantay at dapat itong seryosohin ng mga awtoridad.

Sa inisyal na report, ang bomb threat ay ipinadala sa pamamagitan ng mga email at naka-pangalan sa Takahiro Karasawa, na diumano’y isang Japanese lawyer mula sa isang partikular na “Steadiness Law Office” na may mataas na kaalaman sa bomb-maker.

Batay sa email, yayanigin ng mga bomba ang mga pangunahing ahensya ng gobyerno sa Pilipinas sa ganap na alas-3:34 ng hapon ngayong araw Pebrero 12, 2024.

Sabi ni Remulla, walang lugar sa ating bansa ang mga ganitong kalokohan o mga malisyosong pagpapakalat ng takot sa mga Filipino.

Maging babala ito sa mga nasa likod na hindi nila kukunsintihin ang mga ganitong gawain, hahabulin at panananugit ito sa batas. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us