‘Charlie’ Emergency Protocol, ipinatupad ng NDRRMC sa Regions 4A, 5, 8

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinagana na ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang Charlie emergency protocol sa Regions 4A, 5, at 8 dahil sa tropical depression “Amang”.

Ayon kay Office of Civil Defense Information Officer Diego Mariano, ang Charlie protocol ang pinakamataas na protocol sa mga emergency, kasunod ng Bravo at Alpha protocol.

Hiwalay pa ito sa alerto na itinataas nila kapag may bagyo.

Base sa Charlie protocol, dapat magpadala ng maya’t mayang advisory at warning ang NDRRMC at mag-issue ng travel advisory.

Nakasaad din dito na dapat ay paganahin ang mayorya ng response clusters ng ahensya at maglabas ng situational report.

Ipinag-uutos din dito ang mahigpit na monitoring sa mga insidente tulad ng pagbaha at landslide na posibleng maidulot ng bagyo.

Samantala, pinagana naman ang Bravo protocol sa Metro Manila, Cordillera Administrative Region, Region 1, 2 at 3; at Alpha protocol naman ang sa CARAGA Region. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us