Umapela ang Department of National Defense (DND) kay Cagayan Governor Manuel Mamba na huwag tawaran ang kakayahan ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gumawa ng foreign policy decision na magsusulong ng pambansang interes.
Ang pahayag ay kaugnay ng alegasyon ni Mamba, na nagsinungaling umano si DND Officer in Charge Carlito Galvez Jr. nang sabihin niya sa Pangulo, na tatanggapin ng gobernador ang desisyon ng Malacañang tungkol sa paglalagay ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites sa Cagayan.
Ayon sa DND, ang kagawaran ay kasama ng iba pang ahensya sa security sector na nagbibigay ng impormasyon sa Pangulo base sa kanilang “assesment”.
Giit ng DND, malabong mangyari na magsinungaling sa Pangulo ang sinoman sa “advisors” niya, at makalusot sa pagbibigay ng maling impormasyon lalo na kung pambansang seguridad ang nakasalalay. | ulat ni Leo Sarne