Pangulong Marcos Jr., interesadong masaksihan ang live fire exercises sa Balikatan ng Pilipinas at US

Facebook
Twitter
LinkedIn

Interesado si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na masaksihan ang live fire exercises, na bahagi ng Balikatan Exercises sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.

Pahayag ito ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Colonel Medel Aguilar, nang tanungin kung magiging present ba ang pangulo sa Balitakan exercises, partikular sa Zambales.

Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ng opisyal na hindi pa niya batid kung dadalo ang pangulo.

Gayunpaman, una nang naimbitahan si Pangulong Marcos upang sumaksi sa kaganapang ito.

“I am not very sure of the attendance, but the president was invited, and he showed great interest also in seeing live fire exercise, but as his scheduled, I am not privy to it.” — Col. Aguilar

Kaugnay nito, sinabi ng opisyal na bukod sa live fire exercises, magiging bahagi rin ng aktibidad ang command post exercises na gaganapin sa Camp Aguinaldo, cyber defense exercises, at actual training exercises sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija, Palawan, at Panay Island. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us