Mga pulis na sangkot sa Php6.7-B shabu haul, dapat matanggal sa pwesto at makasuhan ayon kay Sen. Dela Rosa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iginiit ni Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na dapat matanggal sa pwesto at masampahan ng kaso ang mga opisyal ng Philippine National Police (PNP) na sangkot sa nakumpiskang Php6.7 billion na shabu sa Maynila noong nakaraang taon.

Ang pahayag na ito ni dela Rosa ay kasunod ng paglalabas ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos ang pangalan ng police officials na sangkot sa multi-billion pesos drug haul, sabay himok sa mga ito na mag-leave sa trabaho habang iniimbestigahan.

Binigyang diin ng senador na dating naging hepe ng PNP, na hindi dapat manatili sa pwesto ang mga pulis na ito para hindi makaimpluwensya sa kahihinatnan ng imbestigasyon.

Dagdag pa ni dela Rosa, kung mayroon na ring sapat na ebidensya ay sampahan na ng kaso para hindi na gayahin ng ibang police officer.

Matatandaang nagkasa na ang Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs ng imbestigasyon tungkol sa mga drogang nakumpiska na ginagawang reward ng ilang pulis sa kanilang mga asset. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us