Malugod na tinanggap ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro si Brazilian Ambassador to the Philippines His Excellency Gilberto Fonseca Guimaraes de Moura sa introductory call ng embahador sa DND.
Sa pag-uusap ng dalawang opisyal, binigyang-diin ni Sec. Teodoro ang kahalagahan ng pagtutulungan ng Pilipinas at Brazil para tugunan ang common security challenges.
Tiniyak naman ng Embahador ang commitment ng Brazil na makipagtulungan sa mga bansa sa Indo-Pacific Region, at sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Nagkasundo ang dalawang opisyal na patuloy na palakasin ang kooperasyong pandepensa ng dalawang bansa alinsunod sa 2022 Philippines-Brazil Memorandum of Understanding (MOU) on Defense Cooperation.
Kabilang sa mga posibleng larangan ng kooperasyon ang logistics and defense industry collaboration, information sharing, counter-terrorism, at humanitarian assistance and disaster relief (HADR).
Ang Brazil ang kauna-unahang bansa sa South America na may pormal na kasunduang pandepensa sa Pilipinas. | ulat ni Leo Sarne
📸: DND