Patuloy na pinalalawak ng Estados Unidos ang kooperasyon nito sa Pilipinas sa sektor ng agrikultura.
Natalakay ito sa naging courtesy call ni US Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson kay Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr.
Ayon sa DA, pangunahing tinalakay ng dalawang opisyal ang ongoing na agricultural trade initiatives sa pagitan ng U.S. at Pilipinas.
Inihayag din ni Amb. Carlson ang nalalapit na Presidential Trade and Investment Mission to the Philippines sa Marso na layong palakasin ang pamumuhunan ng mga kumpanya sa U.S. sa bansa.
Sa kanyang panig, ibinahagi naman ni Secretary Tiu Laurel ang ilang prayoridad ng administrasyong Marcos sa agri-fishery sectors partikular ang postharvest management, irigasyon, at imprastruktura.
Nagpasalamat din ito sa suporta ng U.S. at pagkilala sa kritikal na papel ng agrikultura sa economic development ng bansa.
Ayon sa kalihim, umaasa itong magpapatuloy pa ang partnership sa Estados Unidos tungo sa pagsusulong ng pag-unlad sa sektor ng pagsasaka. | ulat ni Merry Ann Bastasa