Babaeng tumalon sa riles ng MRT-3, binawian na ng buhay

Facebook
Twitter
LinkedIn

Namatay na ang matandang babae na tumalon sa riles ng Metro Rail Transit (MRT) line 3 kanina bago magtanghali.

Bandang alas-2:20 ng hapon nang ideklara ni Dr. Kevin Allaine Chua ng East Avenue Medical Center na patay na si Ginang Irenea Dilag Aguinaldo, 73 taong gulang.

Si Ginang Aguinaldo ay residente ng Unit H Modern Dwelling, Don Matias Don Antonio Heights Subdivision Barangay Holy Spirit, Quezon City.

Sa panig ng pulisya hindi pa batid ang dahilan ng pagpapakamatay ng babae.

Alas-11:57 ng umaga nang tumalon sa riles ng MRT 3, Quezon Avenue station ang matandang babae kasabay ng pagdating ng tren sa istasyon. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us