Tuluyan nang dumagsa ang mga mamimili sa mga tindahan ng bulaklak sa Dangwa, Maynila.
Ito’y kasabay ng Valentine’s Day kung saan bahagya naman tumaas ang presyo ng mga bulaklak.
Ang dating ₱1,200 na bouquet ng bulaklak ay nasa ₱1,500 na.
Ang isang piraso naman ng red rose ay nasa ₱200 na dati ay nasa ₱100.
Ang isang sunflower na dati ay nasa ₱100, ngayon ay nasa ₱150, habang ang ilang mga bouquet naman na may espesyal na disenyo ay umaabot ng ₱1,500 hanggang ₱3,000.
Patok din ang mga luminous balloons na nagkakahala ng ₱300 to ₱700 depende sa laki. Ito yung mga lobo na may umiilaw na bulaklak sa loob.
Sa abiso ng mga nagbebenta ng bulaklak sa Dangwa, normal daw ang pagtaas dahil marami ang bumibili.
Kapansin-pansin ngayon taon na malibam sa kadalasang dagsa ng mga tao at sasakyan, ay ang bulto-bulto ng riders mula sa iba’t ibang ride hailing app. | ulat ni Jaymark Dagala