Para sa mga nagbabalak bumili ng tsokolate ngayong Valentine’s Day, may “healthy suggestions” ngayon ang Pasig City Nutrition Committee.
Anila, mas mainam na bilhin ang mga tsokolate na may nakasulat sa label na “no sugar added” lalo na para sa mga matataas ang blood sugar at diabetic.
Maaari ring gawing alternatibo iyong mga tsokolate na may halong pasas dahil nagtataglay ito ng natural na tamis at mayaman din sa fiber at antioxidants.
Mainam din ang pagbili ng mga tsokolate na mayroong nuts o mani dahil panlaban ito sa free radicals at nakapagpapababa ng low density lipoprotein.
Dagdag pa nito, mainam din ang pagbili ng mga tsokolate na may mataas na porsyento ng Cocoa na nasa 70 hanggang 90 porsyento gayundin ng Cacao nibs dahil mataas ito sa flavanoids at nakatutulong din sa kalusugan ng puso. | ulat ni Jaymark Dagala