Sa pamamagitan ng viva voce voting ay pinagtibay ng Kamara sa ikalawang pagbasa ang panukala na palawigin ang validity ng PRC License ID.
Salig sa House Bill 9764, mula sa tatlong taong validity ay palalawigin na ng limang taon ang bisa ng PRC license ID.
Ayon kay House Committee on Civil Service and Professional Regulation Chair Kristine Alexie Tutor, inaasahan na aabot sa isang milyong propesyunal ang makakabenepisyo sa naturang panukala sakaling maisabatas.
Dagdag pa ng mamababatas, bahagi ito ng pagtalima sa Ease of Doing Business at Anti-Red Tape Law. | ulat ni Kathleen Forbes