Pinangunahan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang hand-over at pag-bendisyon ng bagong kumpuning AFP Commissioned Officers Country Multi-Purpose Building sa Camp Aguinaldo, Quezon City.
Naging katuwang sa proyektong ito ng AFP ang Department of Public Works and Highways (DPWH).
Nagpasalamat si Gen. Brawner sa DPWH sa pagkumpleto ng proyekto, na bahagi ng “Tatag ng Imprastraktura para sa Kapayapaan at Seguridad” o TIKAS program ng AFP.
Sa kaniyang mensahe, sinabi ni Gen. Brawner na mapalad ang AFP dahil sa patuloy na suporta at pakikipagkolaborasyon ng kanilang stakeholders upang maisakatuparan ang kanilang mga hangarin.
Ayon kay Gen. Brawner, ang proyekto ay patunay ng suporta ng pamahalaan sa mga pangangailangan ng mga tauhan ng AFP, at bilang pasasalamat ay kailangan lang manatiling tapat ang ang mga sundalo sa bandila at bansa. | ulat ni Leo Sarne
📷: PFC Carmelotes/PAOAFP