Nanawagan ngayon ang zero waste at toxics-free watchdog group na Ecowaste sa mga magsing-irog at may mga date ngayong Valentine’s Day na ipakita rin ang pagmamahal sa kalikasan sa pamamagitan ng pakikipag-break sa paggamit ng single-use plastics (SUPs).
Ayon sa grupo, literal na ‘toxic relationship’ ang dala ng SUPs sa publiko dahil sa hatid nitong panganib sa kalusugan at maging sa kalikasan.
“It is high time for every one of us to rethink our usage of SUPs. We can live without SUPs but we cannot live in an environment where a big portion of our waterways are polluted with disposable plastics, along with their chemical additives. For the love of Mother Earth, we need to end this toxic relationship before our oceans and rivers completely turn into a floating dumping ground,” — Aileen Lucero, National Coordinator, Ecowaste Coalition.
Tinukoy pa ng Ecowaste ang ocean plastic pollution na kinahaharap ng bansa sa dami ng mga plastic na basurang nagkalat sa mga karagatan.
Para sa isang eco-friendly na date, pinayuhan ng Ecowaste ang publiko na mas piliin ang ecological alternatives kaysa single-use plastics gaya ng pagdadala ng fabric bags, at iba pang reusable bags imbes na plastic carry bags.
Mas mainam kung gagamit din ng stainless steel lunch boxes, at repurposed bottle jars imbes na mga polystyrene food containers.
Magdala na lang ng water jug o flask kapalit ng plastic water bottles at gumamit ng washable glasses, tumblers o mason jars.
Maaari ring magdala ng reusable cutleries at bamboo at metal straws o uminom na lang ng walang straw. | ulat ni Merry Ann Bastasa