Sumampa sa P362.20 bilyon ang kabuuang revenue ng Social Security System (SSS) para sa taong 2023.
Mas mataas ng 9.5% sa kanilang revenue target para sa naturang taon na P330.80 bilyon.
Ayon pa kay SSS President and Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet, ito na rin ang pinakamataas na kita na nakamit ng SSS.
Kabilang sa pangunahing nagdulot ng pagsipa ng revenue ng kumpanya ang pagpapaigting sa collection efforts kabilang ang delinquent employers.
Katunayan, tumaas rin ng 18.2% ang aktwal na koleksyon noong 2023 ng SSS na umabot sa P309.12 bilyon.
“Our 2023 financial performance is indicative of the efforts of the SSS management and employees in intensifying its collection activities and the prudent management of our investments. The P309.12 billion contribution collection exceeds our 2023 target of P294.49 by P14.62 billion. It is 18.2 percent higher than the P261.44 billion collected in 2022,” Macasaet.
Para sa taong 2023, nasa 1.4 milyon ang mga bagong miyembro na nakaambag ng kabuuang P10.48 bilyong kontribusyon sa SSS.
Samantala, umabot rin sa P53.08 bilyon ang nakamit na revenue ng SSS pagdating sa investment na mas mataas rin ng P16.77 bilyon sa target ng kumpanya. | ulat ni Merry Ann Bastasa