Kaisa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng mga Katoliko sa pagsisimula ng Panahon ng Kuwaresma.
Sinimulan ng Pangulo ang kanyang araw sa pagdalo sa isang misa, bilang bahagi ng obserbasyon sa Ash Wednesday.
Sa maikling pahayag ng Pangulo sa kaniyang social media page, hinikayat nito ang mga katoliko na pagnilayan ang sakripisyo ni Hesukristo para sa kasalanan ng lahat ng tao.
Hinikayat rin nito ang lahat na palalimin pa ang pananampalata.
“In observing Ash Wednesday, let us reflect and renew our faith,” —Pangulong Marcos Jr.
Kalakip ng paalalang ito ang larawan ng Pangulo, kung saan makikita ang krus na abo sa noo ng pangulo.
Kung matatandaan, ang Ash Wednesday ang hudyat sa pagsisimila ng panahon ng Kuwaresma, para sa mga Katoliko. | ulat ni Racquel Bayan