Tatalima ang PhilHealth sa panawagan ni Speaker Martin Romualdez na ayusin ang kanilang benefit package at palawagin ito para sa mga pasyente.
Sa ipinatawag na pulong ng House Committee on Health sinabi ni PhilHealth President and CEO Emmanuel Ledesma, Jr. 110% nilang suportado at kaisa sila sa hangarin ng House leader.
“We are one we are one with Speaker Martin when he says we have to aggressively and continuously increase the case packages of PhilHealth across the board,” sabi ni Ledesma.
Katunayan, simula ngayong araw, itataas na ang coverage rate ng kanilang benefit package ng 30%.
Sasagutin na rin ng PhilHealth ang 50% ng bayad ng pasyente sa payward sa mga pribadong ospital kasama na ang doctor’s fee.
Aayusin na lamang aniya ng state health insurer ang panuntunan at guidelines para sa pagpapatupad nito.
Pangako pa ni Ledesma na titiyakin nilang ang Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang unang pangulo na matagumpay na maipatutupad ang Universal Healthcare Law.
Suportado naman ni PhilHealth Vice President Eli Santos ang direktiba ni Speaker Romualdez na repasuhin ang charter ng PhilHealth upang mapalawak pa ang patient benefits kasama ang early detection ng cancer.
“We submit to the directive of our Honorable Speaker and the Committee to focus our resources in safeguarding the health of the populace,” ani Santos.
Isang Technical working group na ang binuo ng health committeee na pamumununan ni Rep. Anthony Golez para sa pagsasagawa ng review sa charter. | ulat ni Kathleen Forbes