Nilinaw ni ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo na sa kaniya nagmula ang konsepto ng AKAP o Ayuda para sa Kapos ang Kita Program.
Ito’y ay sa gitna pa rin ng pag-uugnay ng naturang programa sa people’s inititiative.
Ani Tulfo, noong DSWD secretary pa siya ay kaniyang pinlano ang naturang programa para matulungan ang sektor ng mga Pilipino na hindi naman indigent, pero hirap pa rin sa buhay.
Isa kasi aniya sa kanilang napansin ay lahat ng ayuda program ng pamahalaan ay nakatuon sa indigent o poorest of the poor habang wala namang naipapa abot na tulong doon sa mga may trabaho ngunit hindi sapat ang kita.
Matagal na anila itong iminungkahi sa executive department kaya naman nang mapunta sa Kamara ay isinulong din aniya niya ito.
Paliwanag pa ni Tulfo na DSWD naman ang magpapatupad ng naturang programa. | ulat ni Kathleen Forbes