Inalis ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Special Operations Group – Strike Force ang mga sagabal sa sidewalk sa Barangay 66 Zone 71 sa Paco, Maynila.
Ito ay sa isinagawang clearing operation ngayong Araw ng mga Puso.
Nag-ugat ang operasyon sa lugar matapos na makatanggap ng reklamo ang MMDA na hindi na madaanan ang naturang sidewalk.
Umabot sa 56 na mga sasakyan na ilegal na nakaparada ang natiketan, habang 17 naman ang pinaghahatak ng MMDA.
Pagkatapos ng operasyon ay namigay ng bulaklak ang mga miyembro ng Special Operations Group – Strike Force sa mga residente ng nasabing barangay bilang bahagi ng selebrasyon ng Valentine’s Day.
Muling nagpaalala ang MMDA na kailangang panatilihin ng barangay ang kaayusan sa mga kalsada nito.| ulat ni Diane Lear