Voter’s list para sa BSKE, nakatakdang ilabas ng Comelec

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inanunsiyo ng Commission on Elections (COMELEC) na mailalabas nila ang listahan ng mga botante para sa Barangay at Sangguniang Kabataan (BSKE) elections ng hindi lalagpas sa Agosto 1 ngayong taon.

Sa limang pahinang resolusyon na may petsang Marso 22, sinabi ng Comelec na naatasan ang Local Election Registration Boards (ERBs) para i-beripika ang mga pangalan ng mga botante at magsagawa ng certification at sealing ng Election Day Computerized Voters List (EDCVLs) at Posted Computerized Voters List (PCVLs) sa mismo o bago ang Hulyo 27 ng kasalukuyang taon.

Inatasan din ang election registration board na huwag isama dito ang mga pangalan ng rehistradong botante na lumipat na, mayroong doble o multiple registration records dahil sa Automated Fingerprint Identification System (AFIS), mga botanteng namatay na at ang mga mayroong court exclusion order.

Ayon pa sa COMELEC, ang mga indibidwal na nakakuha ng court inclusion order at ang mga natanggal sa listahan sa pamamagitan ng Automated Fingerprint Identification System dahil sa maling encoding ng type of application sa voter registration system ay dapat na maisama sa listahan ng mga botante.

Sa ilalim kasi ng Voter’s Registration Act, minamandato ang election registration board na maghanda at magpaskil ng certified list ng mga botante 90 araw bago ang pagdaraos ng regular election.

Nakatakda namang isagawa ang Barangay ar SK Election sa Oktubre 30. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us